Wednesday, May 31, 2006



Bakit nga ba? Aba tinatanong ko nga tapos itatanong nio ren sa akin? Ano ba naman klaseng buhay ito itatanong mo tapos itatanong rin sa’yo, eh di sana hindi ka na lang nagtanong nang sa gayon hindi rin tinanong sa iyo ung tinanong mo kasi kapag tinanong sayo ang tinanong mo aba, eh di nagtanungan lang kayo, anupang silbi ng pagtatanong mo kung ang tanong na tinanong mo ay siya rin itatanong sa iyo… nahilo ka? Ako rin no… seryoso na nga…

Una, kasi karamihan sa mga babae, “magastos”… una niyan may ‘monthsary’ kayo so every month expected na ang gastos mo twing 16th, 18th, 24th, 12th or whatever date man iyan ng buwan… kung sino ba naming magaling ang nag-imbento ng ‘monthsary’ term na iyan, eh sa dictionary nga walang ganyang word… haaayyy…

Pagtapos, meron pa diyang mga super daming dates na dapat mong tandaan dahil kung hindi eh ikamamatay ng inyong ‘relationship’… kamusta naman yun? Una, merong date tungkol sa first date, first kain sa labas, first movie, first sakay sa mrt, first sakay sa bus, first time mong napatawa, first time mong tinext or tinawagan, first time mong magpalapa sa aso nila, first time mong magpabugbog sa kuya at tatay niya, first time mong mabungangan ng nanay niya na itatanong sa iyo ang phenomenal question, “aber, ano naman ang ipapakain mo sa anak ko?” gusto ko sanang sagutin ng “ pagkain po…” kaso baka hindi na ako makalabas ng bahay nila ng buhay… bwahahahaha!!!

Kaya nga you should keep track of all the dates dahil kapag may na-miss ka jan, at nakalimutan mong i-celebrate eh patay ka… ngayon pa lang na iniisip ko, para na akong mababaliw… grabe, kaya mo bang tandaan lahat ng dates na iyon???

Pangalawa, may iba na napakahirap intindihin… hindi mo alam kung gusto ka kasi hindi naman sinasabi, pero ikaw sabi ng sabi… pagtapos after ng ilang linggong pagpapa-alipin at pagsa-sakripisyo saka ka sasabihin ng katagang super kaasar “I’m not yet ready eh…bata pa kasi tayo”, akala mo naman seryoso tapos after ilang days makikita mo may ibang kasama… bata, bata utot mo… gawin kaya kitang sanggol… (bitter ako?! Wahahahaha!)

Pangatlo, nage-generalize sila… (baka ako rin nage-generalize pero hayaan mo na…) sa isip nila pare-pareho ang mga lalake, which is so not true… baket kamo? Hindi po lahat ng lalaki malilibog… oo nga, aminin natin, minsan dinaratnan ng libog pero hindi naman palagi, yung para bang kapag nadikit ka sa may sinding posporo eh liliyab ka na sa sobrang init mo… Hindi lahat ng lalaki manloloko, may mga lalaking sincere, responsible at matitino pang natitira “(ako)”, siguro minalas ka sa pagpili ng mga nauna pero hindi ata tamang lahat eh iisipin na na manloloko… dahil hindi. Period. Hindi lahat ng lalaki kasing laki ng Eiffel tower ang ego at pride, merong iba sa aming specie aaminin ko pero uulit ulitin ko, hindi lahat… minsan kasi kelangan rin naman ung kaunting pagmamatigas kasi kung puros pagbibigay at pangiintindi eh baka naman mamihasa at abusuhin na… kelangan ng ego para naman mapaniwala naming ang mga sarili naming mukha kaming tao, kahit ang iba hindi, tulad ko… joke lang…

Bakit nga ba talaga mahirap… e2 talking from experience na ha… atin atin lang, buti walang nagbabasa ng blog ko…

Kasi, ayaw nila sa akin, ganun kasimple… kapag hindi mo pa nasasabi ok pa kayo, kapag nasabi mo na iba-iba ang reaksyon… una, sasabihin niyang ok lang yun, pero wag ita-try na i-pursue siya kasi saying ang friendship. pangalawa, iiwasan ka na para bang merong kang nakakahawa at nakamamatay na sakit at hindi ka na kakausapin until sabihin mong hindi mo itutuloy ang pagpu-puruse sa kanya…pangatlo, para bang wala siyang narinig at babalewalain yung ginawa mo, as if naman madaling gawin at sabihin yun…

Ever since elementary, palagian kong mga kasama babae… ewan ko ba, pero ang best buddy ko nun lalaki… kasi ung mga babae ang mas nakaka-appreciate ng jokes ko, hindi ko trip ang usapan na puro libog at xxx movies ang alam panoorin, hindi ko trip ang tawagan na “pare” nababadingan kasi ako, lalo na ung mga ingleserong konyo na parang mga ilocano kung magsalita… sobra ang emphasis nila sa letter “R”… example: “ Hey Parrrrrre, how’s ur girrrrl now?” naiimagine niya siguro… ayokong nagbabarkada sa mga kaklase ko noon na lalaki kasi ayokong bumagsak at ayokong magbasag-ulo at paki ko ba sa mga kaaway nila… kasi nuon kapag kaaway ng kabarkada mong lalaki kaaway mo na rin… isa pa walang matitinong, may utak straight guys nung elementary, meron ngang matitino pero weirdo, meron naman may utak kaso nde straight… pero ok naman ako in terms of relationship sa mga kaklase kong mga lalake, nagdadakmaan pa nga kami ng balls nung grade 5… malilibog talaga…

Pareho rin ng hayskul, same reasons pero 2 na ang best buddies ko nuon… pero ang barkada ko 3 kaming lalaki, 8 silang babae… wala namang kakaiba kasi ung mga kabarkada kong babae, cowboy hindi mga kikay… merong ibang kikay pero hindi ung nakakaasar na kikay… ayoko kasing kasama ang mga ganoon… kapag naaartehan ako, nasasabi ko na ang arte nila… hindi ko mapigilan eh… kahit maganda at sexy at may sense of humor, kapag sobrang arte naasar ako…

Ito ang naging dahilan… nagging “BESTFRIEND” material lamang ako… na-stuck doon at hindi nakaalis pa… parang hindi ko kayang umangat sa “BOYFRIEND material” kasi nga ako yung tipong nagpapatawa, hindi seryoso, at palagaing makakusap… kaya naman nitong college mejo huminay-hinay muna ako sa pagpapataw ng sobra… sumeryoso at nag-aral muna ng todo.. kaya nga may mga times last year na talagang naghahanap na ako ng pagbabalingan ng atensyon besides my family, friends and school…

Nakahanap ako ng pwedeng mag-ease sa akin ng boredom ko… routinary na kasi masyado… pero aun, walang nangyari, ako pa ang nahirapan at… palagi naman… nasaktan… ewan ko sa kanya kung nasaktan siya… palagay ko hindi…

Nitong april nag-debut siya, a week after her birthday we were supposed to go out… planado na ang lahat… I cancelled all my scheduled things to do that day pero aun, nag-cancel siya afternoon the day before our supposed ‘friendly date’… shock ako nun, akalain mo, nagago na naman ako…

One month na kaming hindi nagco-communicate… sayang, she was perfect for me but obviously I was not perfect for her… maybe she looking for something na hindi niya mahanap sa akin, but why bother saying “yes” to a “date” if you know to yourself na ayaw mo sa akin… what was that a game? Games should be fun… I didn’t enjoy it. It was not in a way fun…

All she said was that she was going somewhere and that she was sorry… I, too was sorry for myself because I fooled myself again… akala ko, meron na un pala false alarm lang… i said to myself that I would not allow anybody to fool me again…kahit ba ang ipangfront ko sa mga tao eh tough ako at walang emosyon…

Masaya ngayon ang walang emosyon masyado kundi tuwa at galit… ayoko na munang malungkot, masama ion sa health eh…

Sino itong babaing ito? Itago na lang natin siya sa initials na abonita jo… hahahahaha! Initials ba yun? Aba, nababanggit at naisusulat at naita-type ko na uli ung pangalan niya… akalain mo yun…

Ciao for now...

ang reasons kung bakit mahirap?

Mahirap lang, bakit ka ba nangengealam? Bwahahahahahahaha!

mahirap, kasi hindi mayaman... taena korneee ko...





12:10 AM;p rAisonnez... Y

Sunday, May 28, 2006



Una syempre gusto kong kunin ang diploma ko, pano naman ako magtatrabaho at gawin ang gusto kong gawin kung wala pa akong diploma….

Seriously… hindi ko alam ang gagawin ko after college… kung magaganda naman ang grades ko at maganda ang kinalabasan n transcript records ko eh di ayos… mas madaling makakapag-apply ng trabaho, pero alam nio, hindi ko nga alam kung gusto kong magtrabaho agad eh… masaya sanang sumusweldo at hindi ka na part ng unemployed population ng bansa pero kasi kapag ganun parang independent ka na talaga, I mean may sasagutin kang expenses sa bahay, wala ka ng marereceive sa magulang mo at baka in time, eh bumukod ka na rin sa kanila…

Hindi ko alam kung magma-masters ba ako or magse-second degree. Kasi balak ng tatay ko eh mag-law raw ako kasi lawyer tatay ko so gusto niya may magmana ng law office nia, ungkuya ko nagla-law na rin, alangan naming gayahin ko pa? pero maganda ang kita ng lawyers ah, kahit hindi kami maluho ng pamilya namin, hindi naman kami napuputulan ng kuryente at nagugutom…

Pero alam nio ang talagang gusto ko? Ang mag-aral ng film sa states… kac since magmi-migrate na ang ate ko doon, eh di may matitirahan na ako… ang saya sana nuon no…

Pero eto ang totoong balak ko…

Pagka graduate syempre maga-apply ako sa ABS-CBN… saya, at kung palaring matanggap, magtatrabaho ako doon for max. ng 3 years.. pagtapos mag-aaral ng film sa states, I dnt know how long un pero pagtapos nun, if ever hindi ako makaland ng work dun, babalik ako dito at ifu-fulfill ang aking pangarap na ma-direk ang aking super duper crush forever na si sarah Geronimo.. hanep! Wahahahaha!!! Aus ba?

Pagtapos magiging commercial and music video director ako and then move on to greater things like movies and concerts and all… haaaayyyy.. pangarap nga naman… I really hope na magawa ko ito in a span of 10 years after graduating…

Masarap mangarap pero minsan nakakastress kapag ang mga pinlano mong mga bagay ay hindi nangyayari ng ineexpect mo… nakakatuliro at nakakaasar lalo na kapag ung mga ineexpect mong mangyari kabaligtaran pa ang nagaganap…

Kaya minsan mas magandang hindi pinaplano ang mga bagay-bagay at hayaan na lang natin ang panahon ang magdikta kung paano mangyayari ang mga bagay na pinapangarap natin. Dahil mas masaya at masarap ang nasusupresa ka ng mga bagay na akala mong sa hinagap mo lang magaganap.

Dati hindi ko inakalang magiging honor student pa ako, at makakakamit ng mga bagay na mga masisipag lang nag nakakatanggap. Ang dami- daming magagandang nangyari nung high school na hindi ko ineexpect na mangyari… i am admittedly a loser nung elementary… ako yung tipong binubully at binabypass lang ng mga kaklase ko but everything changed since high school, I became in charge at ako na ung tipong nang-aasar at nambubully, much like ngaung college… hindi ko inaasahang ganito ang mangyari pero nangyari..

Pero iba na siguro after college, mga taong buhay na ang pinagtatarabahuhan ang makakasabayan ko, hindi tulad sa eskwela na mga grado lang ang pinaglalabanan… after college eh realidad na ng buhay ang magaganap, totoo na at wala ng atrasan pa…

Kaya naman as early as now, inihahanda ko na ang sarili ko sa mga bagay na ganito, sa mga bagay na maaaring mangyari sa totoong buhay, sa reality…

kailangang planuhin eh, dahil kapag pumalpak ka, wala ng summer classes na sasagip sa’yo para makatungtong ka sa next level.





12:33 AM;p rAisonnez... Y




Yehey!!! At last tapos na rin ang taping ng show naming sa TOMCAT and “express-o!” grabe after more than a month na pagtatrabaho at pagpapagod sa show na ion at last nagpapahinga na kaming 2 ng aking dear partner na si fay mattus..

Grabe, akalain nio un, prang nde kami nagbakasyon… halos araw-araw eh andun kami sa TOMCAT office para mag-prepare, good thing it turned out very well. Don’t get me wrong, nde ako nagrereklamo sa trabaho, enjoy pa nga eh, pero syempre too much of a good thing eh nakakasawa rin kaya naman heto ako pahila-hilata muna at natutulog hanggang sa abot ng aking makakaya…

Diba last tym naikwento ko sa inyo nung pumunta kami sa providence sa may malapit sa benilde? Aun, si rosy, ung kabarkada naming nanlibre for that day, ung mama nia ay nasa ICU ngaung mga panahong ito dahil sa sakit sa kidney… grabe, pinuntahan namin si tita yoli nung Monday naawa ako kasi naman may pinapasok na tubo sa katawan niya specifically sa tiyan nia at sa may leeg… sabi sa amin para daw matanggal ang CREATIN sa katawan nia which is a poison daw na sine-sectrete n gating mga kidney… ang normal limit dawn g tao for this CREATIN ay 80 – 100, hanep! Si tita naka 1,500!!! Kaya naman nag-collapse na talaga siya… at alam nio ba mga fackallers? Tinusok at ipinasok ang mga tubong iyon ng walang anesthesia so imagine the pain the tinutusok at binubutas yung tiyan mo… bakit walang anesthesia? Kac daw masyado ng maraming substances at gamut sa katawan nia, baka makasama kung lalagyan pa ng anesthesia… at gising si tita habang ginagawa ang procedure kaya naman bilib na bilib ako kac baka ako mapatay ko yung doctor kac walang anesthesia tapos bubutasin yung tiyan ko…

Sanhi daw ng pagdami ng CREATIN ay ang palagiang pag-iinom ng softdrinks, kulang sa water intake at pagkain ng madudumi at maaalat na pagkain… kaya naman sinasabihan ko na ang tatay ko ngayon na wag gawing side dish ang bagoong dahil sawsawan iyon hindi side dish na pwedeng lamunin without limits… at sa mga iba jan na kumakain ng calamares and all, ako kumakain rin naman ako, pero wag naman nating araw-arawin kac, life is short…. Hala, may kuneksyon??? Bwahahahah!!! Gets?! Aww!

Dami kong gusto pang ikwento senyo… poooonnnyeeeetttaaaa!!!!! Hindi pa ako nakakapanood ng DAVINCI CODE at ng X-MEN3!!! Anak ng kagaw naman… ako na lang ata ang hindi pa nakakapanood sa whole wide universe… (OA!) kac naman naghahanap ako ng kasama kac borng kung ako lang mag-isa manonood… sino2 na ba naimbitihan ko… si Isabel lang eh, at niyaya na raw siya ng ate niyang manood so thanks to me na lang daw.. oi, ung mga makukulay ang isip jan, hinay-hinay… past is past na kaya… (asus!) past is present today forever amen. Wahahahahaha!!! Yung mga hindi nakakakilala kay Isabel, pasensya kayo… mamatay kayo sa curiosity nio…. Wahahahahaha!! (trivia: si Isabel ay cute, ung pisngi nia parang hush puppy so puppy sia… jokers bel) si joana abonita naman ayokong yayain ion, AYOKOng yayain kasi iindiyanin na naman ako nun… ewan ko ba anlaks mantrip ng babaing ion… haaayy life…

Kung tatanungin nio kung may pagtingin pa ako sa kanya? Aba naman, wag nio nang tanungin dahil hindi ko rin alam… at tigilan na natin ang topic na ito…

Gusto ko talagang manood ng x-men at da vinci!!! Kapag ako nabwisit panonoorin ko ion ng sabay sa isang araw… kasi naman itong mga kabarkada ko mga walang moooolllaaahh (pera)… haaaayyy kaya wala akong mayaya…

May sale pala sa glorietta sabi ng aking isang kabarkadang si tina, hanggang Sunday daw…

WALA LANG:::

Grabe!! Final eviction na!!! at feeling ko 2 babae ang matatanggal… si Brenda at Clare ang sa hula ko ay matatanggal nagung gabi… sayang gusto ko si Brenda rin mag-stay eh… pero pde ring si jam ang matanggal kac naoperahan na si baby miggy… haaayyy.. bat ko ba pinoproblema ang mga bagay na ito? Well kaya nga nakalagay saw ala lang diba…

Fearless forecast: si kim ang mananalo sa big brother…

May tournament pala ang aking kapatid tomorrow sa kanyang taekwondo classes… kaso hindi niya maitaas ung hita niya kasi antaba eh…. Bawahahahhahahah!!!!

Grabe.. may sakit na ata ako… ang tawag “workaholic”… kac parang kapag naiistambay ako sa bahay at walang ginagawa gusto ko may gawin ako… alam mo yon na parang kapag natutulog at nakahilata lang ako eh feeling ko ang tamad-tamad ko na para bang gusto kong pumunta ng tomcat office o kaya mag-mall o kaya maghanap ng summer job… pooonyeeettaa!! Hindi naman ako ganito dati na kapag nagpapahinga ako, ok lang ngayon kapag nagpaphinga ako, hindi pwede kelanganmay gawin ako…

Hassle talaga… kaya sasanayin ko na ulit ang sarili ko na maging INUTIL! Period. Wahahahaa!! Ang gandang ecuse sa pagiging inutil eh no??? wahahaha!!!

O cge watch out for my future blogs friends… e2 ang patikim..

FUTURE BLOG topics;

*ano ang gusto kong gawin after mag-college..

Una syempre gusto kong kunin ang diploma ko, pano naman ako magtatrabaho at gawin ang gusto kong gawin kung wala pa akong diploma….

*bakit mahirap magkaroon ng girlfriend…

Bakit nga ba? Aba tinatanong ko nga tapos itatanong nio ren sa akin? Ano ba naman klaseng buhay ito itatanong mo tapos itatanong rin sa’yo, eh di sana hindi ka na lang nagtanong nang sa gayon hindi rin tinanong sa iyo ung tinanong mo kasi kapag tinanong sayo ang tinanong mo aba, eh di nagtanungan lang kayo, anupang silbi ng pagtatanong mo kung ang tanong na tinanong mo ay siya rin itatanong sa iyo… nahilo ka? Ako rin no… seryoso na nga…

Una, kasi karamihan sa mga babae, magastos… una niyan may monthsary kayo so every month expected na ang gastos mo twing 16th, 18th, 24th, 12th or whatever date man iyan ng buwan… kung sino ba naming magaling ang nag-imbento ng….







12:22 AM;p rAisonnez... Y

Sunday, May 21, 2006



grbe itong week na ito.. sooooper pagod....

haaayyyy.. congrats sa pinoy sa pagdating sa tuktok ng mt. everest... kay leo oracion, kay emata at garduce...

nakakapagod magrevise ng script, magisip sa guests, ng food, ng set, ng music, ng bumper, ng cbb...

hala??!!! sabay sabay kaya itong lumalangoy sa utak ko ngayon, halos halo-halo lahat ng ideas..

minsan kpag matutulog na ako, un pa rin ang nasa isip ko, lumalangoy...

kac cympre, pressure, tpos, ayoko nmang pumalapak show nmen diba.. kaya suuuper sikap akong mgawa lahat in tym..

thanks kina ate edel, at fay, kay kuya marvs sa pagtulong sa amin ni fay...

sana makaya pa namin ito.. gudlak sa amin...

pagod.busy.gusto ko ng manuod ng sine.sa imax.sa mall of asia.maganda dun.laki screen.3d pa!!!

antok.puyat.istorbo ka pa ng gawaing bahay. minsan gusto ko na give-up, pro nde pde eh... yko nga... sayang naman..

ciao!

madalian lng ito eh..(obvious bah?)





3:44 PM;p rAisonnez... Y

Wednesday, May 17, 2006



ako.. simple... tao ako... katulad niyo, nila, tayo... homo sapien ang isa pang tawag dun...

ako... masayahin... palatawa... maingay... ma-joke... patawa... kita ngala-ngala... sungki ang ngipin ko...

ako... mabait (sabi nila)... mahusay... maayos... ok lang... at pwede na... kung anu ang tinutukoy nila... wala akong pake...

ako... seryoso... tumatawa sa labas kahit umiiyak sa loob... malapit ng maging bato... sensitibo... maramdamin...

ako... mahal ko ang pamilya ko... barkada ko... kaibigan ko...

ako...ambisyoso ako... pero sa magandang aspeto... aabutin ko ang mga gusto ko sa abot ng makakaya ko, kahit anong mangyari... desidido ako...

ako.. ayoko sa mga nang-aapi at nag-papaapi, ayoko sa mga taong puros paarte at pa-cute ang laman ng bag, ang utak puro hangin naman... ayoko sa mga trying-hard mag-english na puro "am" lang ar "parrang" ang alam isagot sa prof, at ni mag-straight na tagalog or english eh hindi kaya...

ako... ayoko sa mga hipokrito na akala mo eh walang kasalanang nagawa sa mundo... ayoko sa mga taong feeling "close" agad eh kakakilala pa lang naman... ayoko sa mga presko... ayoko sa mga mang-aagaw kahit tao man o bagay ang inaagaw...

ako... ayoko sa mga taong pa-sosyal kahit wala ng ipangbili ng pagkain sasama pa sa kaibigan para bumili ng 100 peso worth na kape... ayoko sa mga taong sumasama sa mga sosyal na feeling nila sosyal na rin sila...

ako... gusto ko sa mga taong tahimik pero may ibubuga naman... gusto ko sa mga jologs na katulad ko... gusto ko sa mga taong walang pakielam kahit anong sabihin ng iba dahil alam nilang tama ang ginagawa nila...

ako.. gusto ko sa taong madali, malinaw at may sense kausap kesa sa mga inges ng ingles wala namang pinatutunguhan ang pinagsasabi..

ako... gusto ko sa bahay kasi maraming magagawa kahit walang pera... gusto sa mga kaibigan ko kasi nakakatawa ako ng malakas... gusto ko sa pamilya ko kasi masaya kami kahit hindi perpekto..

gusto kita eh ako, gusto mo?






10:53 AM;p rAisonnez... Y




today is may 17 2006...

kagabi lang... actually, kanina lang natapos ang aming pagsasaya ng aking mga hayskul friends...
bday kac ng aming barkadang si rosy (rose ann de polonia) nung may 4 at ngaun ang celebration.. nanlibre ng sine..
hanep naman...

we watched poseidon.. the visuals were great and the effects were astounding but the storyline is far from perfect.. im not a movie critic but i know whats good from not.. ewan ko ah. but the bida's of the movie were so lucky to get out of the sinking ship... they were able to find escape routes everywhere.. hanep talaga.. and when they finally got their way out, damn, a boat was waiting for them already... suggestion ko lang kung gusto nilang mas dramatic dapat hinipan muna ng mga bida ung boat bago nag-sink na tuluyan ang ship... para may mga beke na sila pagtapos.. haha! kakaiba talaga...

tapos aun, natapos na kaming mnood ng sine, aba, ang aming mabait na kaibigang si ray (ray anthony sabido)... tae nde pa rin dumarating... kamusta naman yun... edi tinext nah, aun pala nde nagleave sa work nia at nautulog pa dahil night shift siya the other night... halalala!!! asar kami siyempre.. bonding moment nga dapat eh tpos kulang2... prang tanga talaga..

tpos after awhile sorry2 sia nd papunta na daw, mgshoshower lang daw at magbibihis ang kumag... kinailangan na ngang umalis ni jenny (jennifer miranda) kasi daw may basketball game pa ang boyfriend nia... kaya aun kain muna kami sa ksp.. ay kfc pala... tapos kwentuhan, tawanan... haaaayyy, i really missed them... totoo, kasi minsan lng kami mgkita2 because all of us are pursuing different courses now.. hirap ng makahanap ng time to bond with each other... pero kahit ganun we still know that the friendship lives on..

timezone muna kami.. lakwastsa hanbang hinihintay ang palaging ngpapahintay ... na si ray sabido... siyempre kami mejo pagod na at antok pero tuloy pa rin diba... dumating siya mga past 8 na.. mejo sinasarahan na nga kami ng glorietta eh...

aun paglabas namin hanap ng taxi... tae ang haba ng pila... kung san san kami napadpad... hanggang sa may nakakita sa aming fx.. aun pumayag.. nakontrata.. ang mahal nga lang.. 40 each kame... from glorietta to st. benilde... 40 pesos? well, comfortaBLE nd fast nga kaso it was still unreasonable..

aun, picture-picture.. wla lang.. ingayan sa fx, eh puros pekpek ang mga kasama namin, 11 kami lahat.. 4 lang kaming boys no... imagine mo kung gano kaingay un... haaayyy... but i enjoy their company so much..

aun nung mejo malapit na.. eh kac si ray lang meh alam dun kami its our first tym there... sabi ni mitchie(michelle giron) sagutin na daw niray ang 200... tutal, late naman siya... aun, sabi ni ray siya na daw sasagot.. ang saya saya!!!

nung andun na kami sa providence tower.. mejo mainit.. punta kami dun sa videoke rooms.. take note sa VIP kami... WAAAAAHHH!!!! hehe... tapos aun.. mahal ng token ah 10 pesos per song... pero ok lang.. edi ambagan tym na para sa tokens... aba ang saya saya, naglabas ng pera ang mga kumag kong friends... pero mga tig-ben (tigbebente pesos) lang nilabas nina tina (chhristina sabangan), at che (cherissa calara) at iba pang mga kuripiot naming kaberks...

edi nagkakahiyaan pa pagtapos makabiling token... as if naman... edi sinimulan na ni dhenie (dhenielyn nepomuceno) ang pag-sing sa videoke machine... tpos sunod-sunod na kami..

bumili muna kami ni ray ng fuds sa baba na ang pangalan ng tindahan ay MAMA V.. haha.. mama v.. happy mothers day mama v.. wahahaha!!

bili kami ng san mig light tsaka dingdong big tsaka boy bawang... pag-akayat namin amputek... si bodeth (bernadeth banlaoi) nagwala amputek!!! akala mo senglot eh... wahaahhaha!!! nahiya siya kaya nde na muna suming pagpasok namin...

naiwan pa sa baba sina mane(manilyn agnas), at jam (jamjeee ramos) asawa ni mane.. teenage mom itong si mane kaya naman kami ang mga ninong at ninang ng baby niang si jermaine.. kawawang bata!! waahahaha!!!

tpos ang isa pang singer sa grupo si kebyas(kevinn leonor) na mei crush kei bodeth eh aun, humataw na rin at suming(kumanta)...

sympre kumanta rin ako, with talent fee nga lang.. waahahahh!! as if...

grabe, ung quote na 'time passes so quickly when youre spending it with people you love the most" eh totoo pala.. nde namin namamalayang lumalalim na pala ang gabi... wahaahah!!!! mga 6 feet.. ang lalim no...

wahahahaha!!!

aun, hinihintay lang namin maubos ang tokens kac nga sayang naman... eh binili rin ion... mejo low batt na ren kami... ung juice duon ampootek... ang laki ng baso,.. kala mo hindi baso.. tumbler na un eh.. pero puros yelo naman kaya sulit lang...

mga quarter 2 1 na kami natapos suming.. at bago un, aba nakabasag pa kami ng bote ng san mig light.. waahhaha!! kasi nagexercise si tina, nasanggi ng gaga... wahahhah!!

tapos bago umalis syempre picture picture.. eh kaso nde ko nadala ung digicam ko.. kaya wlang images ngaun di2... kukunin ko pa kei che at ilalagay sa multiply.com...

saya ng evening! natapos ng maganda at maayos!!! sobrang nice time talaga kapag kasama ko sila...

aun, taxi na lang kmi pauwi at grupo2 ng same vicinity... nauna na sina mane, dheng, kevinn, at michie.. at kme nina tina, che at bodeth ang mgksama.. si ray at rosy ang huling umalis.. aun, we hope maaus silang nakauwi lahat...

kahit minsan minsan lang kami magkasama hindi nawawala ang pagkakaibigan... nakaukit na un at hindi na magbabago pa, kahit ng panahon, pagkakataon o tadhana, kami ay pinagbungkos ng pagakakataon upang magkakilala at maging parang isang pamilya palaging nagdadamayan sa hirap man o ginhawa.. kung sakaling may umalis at magpakalayo alam naming pansamantala lamang ion at babalik muli ang lahat sa ayos.... kahit minsan lamang magkita kita at magpakasaya alam namin, sa kaibuturan ng aming mga damdamin na ang pagkakaibigang sa amin ay napunta ay hindi ordinaryo at karaniwan ito ay totoo, sinsero at panghabambuhay..

even though we don't see each other as often as we do then, we still know that the friendship lives on an on.. no matter what, we are friends... forevermore..

(drama... thank you ate charo...) wahahaha!!

ciao!! (haba nitong blog ko na to ah)





10:10 AM;p rAisonnez... Y

ako.

NICO
I am nico laying my thoughts, expressing my ideas, feeling what I feel, doing what I want, saying things I want to say. no one can stop me from using my own personal space. Stay OUT if you must. I do not tolerate suppression… seriously.




%theLOVES;
NICO loves eating, sleeping! , of COURSE, making BABIES!!! (joke…) NICO also LOVES football COMPUTER and likes to watch HIMSELF, dancing…nahh.. just the TV and Song Hye-Kyo and Lee Da-Hae! Oh, and he ABSOLUTELY loves, I mean LOVES eating did I mention that already?!!




%theHATES;
NICO absolutely HATES stares and the EXTREMEhot weather. He HATES monster professors, naggers and foolish people, believing that they’re HOT, when they’re NOT. Also, EXTREMELY BIG TALKERS, who only know how to talk the talk but NOT walk the walk. And of course, having to commute every single day to SCHOOL!




speak those words/ say no liess/ my eyes are watching you



cbox

mga tanong:

kung naging insekto ka?ano ka? at bakit?
kung nanay mo ang lola ng kapatid ng tito mo na kinain ng aso niyo?kaano-ano mo sya?
pano malalaman kung may anak na ang isang tao hello?! edi tanungin mo!
kung blog mo to, babaguhin mo ba settings nito? wag ka ng mag-isip, hindi naman iyo eh.



.pass out here.

  • aNGge
  • aDIe
  • aTe daPhNe
  • aTe eDeL
  • aTe iVy
  • jan
  • jan_ii
  • kaYe
  • ShaYne
  • ShaYne_ii
  • weNngay_i
  • wenggay_ii
  • anDEE
  • PeyTa
  • myXiE
  • chesca_ganda
  • pOnSi
  • eliza_mamanyim
  • J.Lau
  • CARlita
  • GAB-so
  • AmeLito
  • M.Lo
  • sOOLing
  • SHIeldz
    sink back

  • November 2005
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • October 2006
  • November 2006



  • sHalamaHt

    designer-Chronicles
    imageeditoradobephotoshopCS
    brushes Miss M|VBRUSH|moargh