Wednesday, May 31, 2006



Bakit nga ba? Aba tinatanong ko nga tapos itatanong nio ren sa akin? Ano ba naman klaseng buhay ito itatanong mo tapos itatanong rin sa’yo, eh di sana hindi ka na lang nagtanong nang sa gayon hindi rin tinanong sa iyo ung tinanong mo kasi kapag tinanong sayo ang tinanong mo aba, eh di nagtanungan lang kayo, anupang silbi ng pagtatanong mo kung ang tanong na tinanong mo ay siya rin itatanong sa iyo… nahilo ka? Ako rin no… seryoso na nga…

Una, kasi karamihan sa mga babae, “magastos”… una niyan may ‘monthsary’ kayo so every month expected na ang gastos mo twing 16th, 18th, 24th, 12th or whatever date man iyan ng buwan… kung sino ba naming magaling ang nag-imbento ng ‘monthsary’ term na iyan, eh sa dictionary nga walang ganyang word… haaayyy…

Pagtapos, meron pa diyang mga super daming dates na dapat mong tandaan dahil kung hindi eh ikamamatay ng inyong ‘relationship’… kamusta naman yun? Una, merong date tungkol sa first date, first kain sa labas, first movie, first sakay sa mrt, first sakay sa bus, first time mong napatawa, first time mong tinext or tinawagan, first time mong magpalapa sa aso nila, first time mong magpabugbog sa kuya at tatay niya, first time mong mabungangan ng nanay niya na itatanong sa iyo ang phenomenal question, “aber, ano naman ang ipapakain mo sa anak ko?” gusto ko sanang sagutin ng “ pagkain po…” kaso baka hindi na ako makalabas ng bahay nila ng buhay… bwahahahaha!!!

Kaya nga you should keep track of all the dates dahil kapag may na-miss ka jan, at nakalimutan mong i-celebrate eh patay ka… ngayon pa lang na iniisip ko, para na akong mababaliw… grabe, kaya mo bang tandaan lahat ng dates na iyon???

Pangalawa, may iba na napakahirap intindihin… hindi mo alam kung gusto ka kasi hindi naman sinasabi, pero ikaw sabi ng sabi… pagtapos after ng ilang linggong pagpapa-alipin at pagsa-sakripisyo saka ka sasabihin ng katagang super kaasar “I’m not yet ready eh…bata pa kasi tayo”, akala mo naman seryoso tapos after ilang days makikita mo may ibang kasama… bata, bata utot mo… gawin kaya kitang sanggol… (bitter ako?! Wahahahaha!)

Pangatlo, nage-generalize sila… (baka ako rin nage-generalize pero hayaan mo na…) sa isip nila pare-pareho ang mga lalake, which is so not true… baket kamo? Hindi po lahat ng lalaki malilibog… oo nga, aminin natin, minsan dinaratnan ng libog pero hindi naman palagi, yung para bang kapag nadikit ka sa may sinding posporo eh liliyab ka na sa sobrang init mo… Hindi lahat ng lalaki manloloko, may mga lalaking sincere, responsible at matitino pang natitira “(ako)”, siguro minalas ka sa pagpili ng mga nauna pero hindi ata tamang lahat eh iisipin na na manloloko… dahil hindi. Period. Hindi lahat ng lalaki kasing laki ng Eiffel tower ang ego at pride, merong iba sa aming specie aaminin ko pero uulit ulitin ko, hindi lahat… minsan kasi kelangan rin naman ung kaunting pagmamatigas kasi kung puros pagbibigay at pangiintindi eh baka naman mamihasa at abusuhin na… kelangan ng ego para naman mapaniwala naming ang mga sarili naming mukha kaming tao, kahit ang iba hindi, tulad ko… joke lang…

Bakit nga ba talaga mahirap… e2 talking from experience na ha… atin atin lang, buti walang nagbabasa ng blog ko…

Kasi, ayaw nila sa akin, ganun kasimple… kapag hindi mo pa nasasabi ok pa kayo, kapag nasabi mo na iba-iba ang reaksyon… una, sasabihin niyang ok lang yun, pero wag ita-try na i-pursue siya kasi saying ang friendship. pangalawa, iiwasan ka na para bang merong kang nakakahawa at nakamamatay na sakit at hindi ka na kakausapin until sabihin mong hindi mo itutuloy ang pagpu-puruse sa kanya…pangatlo, para bang wala siyang narinig at babalewalain yung ginawa mo, as if naman madaling gawin at sabihin yun…

Ever since elementary, palagian kong mga kasama babae… ewan ko ba, pero ang best buddy ko nun lalaki… kasi ung mga babae ang mas nakaka-appreciate ng jokes ko, hindi ko trip ang usapan na puro libog at xxx movies ang alam panoorin, hindi ko trip ang tawagan na “pare” nababadingan kasi ako, lalo na ung mga ingleserong konyo na parang mga ilocano kung magsalita… sobra ang emphasis nila sa letter “R”… example: “ Hey Parrrrrre, how’s ur girrrrl now?” naiimagine niya siguro… ayokong nagbabarkada sa mga kaklase ko noon na lalaki kasi ayokong bumagsak at ayokong magbasag-ulo at paki ko ba sa mga kaaway nila… kasi nuon kapag kaaway ng kabarkada mong lalaki kaaway mo na rin… isa pa walang matitinong, may utak straight guys nung elementary, meron ngang matitino pero weirdo, meron naman may utak kaso nde straight… pero ok naman ako in terms of relationship sa mga kaklase kong mga lalake, nagdadakmaan pa nga kami ng balls nung grade 5… malilibog talaga…

Pareho rin ng hayskul, same reasons pero 2 na ang best buddies ko nuon… pero ang barkada ko 3 kaming lalaki, 8 silang babae… wala namang kakaiba kasi ung mga kabarkada kong babae, cowboy hindi mga kikay… merong ibang kikay pero hindi ung nakakaasar na kikay… ayoko kasing kasama ang mga ganoon… kapag naaartehan ako, nasasabi ko na ang arte nila… hindi ko mapigilan eh… kahit maganda at sexy at may sense of humor, kapag sobrang arte naasar ako…

Ito ang naging dahilan… nagging “BESTFRIEND” material lamang ako… na-stuck doon at hindi nakaalis pa… parang hindi ko kayang umangat sa “BOYFRIEND material” kasi nga ako yung tipong nagpapatawa, hindi seryoso, at palagaing makakusap… kaya naman nitong college mejo huminay-hinay muna ako sa pagpapataw ng sobra… sumeryoso at nag-aral muna ng todo.. kaya nga may mga times last year na talagang naghahanap na ako ng pagbabalingan ng atensyon besides my family, friends and school…

Nakahanap ako ng pwedeng mag-ease sa akin ng boredom ko… routinary na kasi masyado… pero aun, walang nangyari, ako pa ang nahirapan at… palagi naman… nasaktan… ewan ko sa kanya kung nasaktan siya… palagay ko hindi…

Nitong april nag-debut siya, a week after her birthday we were supposed to go out… planado na ang lahat… I cancelled all my scheduled things to do that day pero aun, nag-cancel siya afternoon the day before our supposed ‘friendly date’… shock ako nun, akalain mo, nagago na naman ako…

One month na kaming hindi nagco-communicate… sayang, she was perfect for me but obviously I was not perfect for her… maybe she looking for something na hindi niya mahanap sa akin, but why bother saying “yes” to a “date” if you know to yourself na ayaw mo sa akin… what was that a game? Games should be fun… I didn’t enjoy it. It was not in a way fun…

All she said was that she was going somewhere and that she was sorry… I, too was sorry for myself because I fooled myself again… akala ko, meron na un pala false alarm lang… i said to myself that I would not allow anybody to fool me again…kahit ba ang ipangfront ko sa mga tao eh tough ako at walang emosyon…

Masaya ngayon ang walang emosyon masyado kundi tuwa at galit… ayoko na munang malungkot, masama ion sa health eh…

Sino itong babaing ito? Itago na lang natin siya sa initials na abonita jo… hahahahaha! Initials ba yun? Aba, nababanggit at naisusulat at naita-type ko na uli ung pangalan niya… akalain mo yun…

Ciao for now...

ang reasons kung bakit mahirap?

Mahirap lang, bakit ka ba nangengealam? Bwahahahahahahaha!

mahirap, kasi hindi mayaman... taena korneee ko...





12:10 AM;p rAisonnez... Y

ako.

NICO
I am nico laying my thoughts, expressing my ideas, feeling what I feel, doing what I want, saying things I want to say. no one can stop me from using my own personal space. Stay OUT if you must. I do not tolerate suppression… seriously.




%theLOVES;
NICO loves eating, sleeping! , of COURSE, making BABIES!!! (joke…) NICO also LOVES football COMPUTER and likes to watch HIMSELF, dancing…nahh.. just the TV and Song Hye-Kyo and Lee Da-Hae! Oh, and he ABSOLUTELY loves, I mean LOVES eating did I mention that already?!!




%theHATES;
NICO absolutely HATES stares and the EXTREMEhot weather. He HATES monster professors, naggers and foolish people, believing that they’re HOT, when they’re NOT. Also, EXTREMELY BIG TALKERS, who only know how to talk the talk but NOT walk the walk. And of course, having to commute every single day to SCHOOL!




speak those words/ say no liess/ my eyes are watching you



cbox

mga tanong:

kung naging insekto ka?ano ka? at bakit?
kung nanay mo ang lola ng kapatid ng tito mo na kinain ng aso niyo?kaano-ano mo sya?
pano malalaman kung may anak na ang isang tao hello?! edi tanungin mo!
kung blog mo to, babaguhin mo ba settings nito? wag ka ng mag-isip, hindi naman iyo eh.



.pass out here.

  • aNGge
  • aDIe
  • aTe daPhNe
  • aTe eDeL
  • aTe iVy
  • jan
  • jan_ii
  • kaYe
  • ShaYne
  • ShaYne_ii
  • weNngay_i
  • wenggay_ii
  • anDEE
  • PeyTa
  • myXiE
  • chesca_ganda
  • pOnSi
  • eliza_mamanyim
  • J.Lau
  • CARlita
  • GAB-so
  • AmeLito
  • M.Lo
  • sOOLing
  • SHIeldz
    sink back

  • November 2005
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • October 2006
  • November 2006



  • sHalamaHt

    designer-Chronicles
    imageeditoradobephotoshopCS
    brushes Miss M|VBRUSH|moargh