Sunday, May 28, 2006



Yehey!!! At last tapos na rin ang taping ng show naming sa TOMCAT and “express-o!” grabe after more than a month na pagtatrabaho at pagpapagod sa show na ion at last nagpapahinga na kaming 2 ng aking dear partner na si fay mattus..

Grabe, akalain nio un, prang nde kami nagbakasyon… halos araw-araw eh andun kami sa TOMCAT office para mag-prepare, good thing it turned out very well. Don’t get me wrong, nde ako nagrereklamo sa trabaho, enjoy pa nga eh, pero syempre too much of a good thing eh nakakasawa rin kaya naman heto ako pahila-hilata muna at natutulog hanggang sa abot ng aking makakaya…

Diba last tym naikwento ko sa inyo nung pumunta kami sa providence sa may malapit sa benilde? Aun, si rosy, ung kabarkada naming nanlibre for that day, ung mama nia ay nasa ICU ngaung mga panahong ito dahil sa sakit sa kidney… grabe, pinuntahan namin si tita yoli nung Monday naawa ako kasi naman may pinapasok na tubo sa katawan niya specifically sa tiyan nia at sa may leeg… sabi sa amin para daw matanggal ang CREATIN sa katawan nia which is a poison daw na sine-sectrete n gating mga kidney… ang normal limit dawn g tao for this CREATIN ay 80 – 100, hanep! Si tita naka 1,500!!! Kaya naman nag-collapse na talaga siya… at alam nio ba mga fackallers? Tinusok at ipinasok ang mga tubong iyon ng walang anesthesia so imagine the pain the tinutusok at binubutas yung tiyan mo… bakit walang anesthesia? Kac daw masyado ng maraming substances at gamut sa katawan nia, baka makasama kung lalagyan pa ng anesthesia… at gising si tita habang ginagawa ang procedure kaya naman bilib na bilib ako kac baka ako mapatay ko yung doctor kac walang anesthesia tapos bubutasin yung tiyan ko…

Sanhi daw ng pagdami ng CREATIN ay ang palagiang pag-iinom ng softdrinks, kulang sa water intake at pagkain ng madudumi at maaalat na pagkain… kaya naman sinasabihan ko na ang tatay ko ngayon na wag gawing side dish ang bagoong dahil sawsawan iyon hindi side dish na pwedeng lamunin without limits… at sa mga iba jan na kumakain ng calamares and all, ako kumakain rin naman ako, pero wag naman nating araw-arawin kac, life is short…. Hala, may kuneksyon??? Bwahahahah!!! Gets?! Aww!

Dami kong gusto pang ikwento senyo… poooonnnyeeeetttaaaa!!!!! Hindi pa ako nakakapanood ng DAVINCI CODE at ng X-MEN3!!! Anak ng kagaw naman… ako na lang ata ang hindi pa nakakapanood sa whole wide universe… (OA!) kac naman naghahanap ako ng kasama kac borng kung ako lang mag-isa manonood… sino2 na ba naimbitihan ko… si Isabel lang eh, at niyaya na raw siya ng ate niyang manood so thanks to me na lang daw.. oi, ung mga makukulay ang isip jan, hinay-hinay… past is past na kaya… (asus!) past is present today forever amen. Wahahahahaha!!! Yung mga hindi nakakakilala kay Isabel, pasensya kayo… mamatay kayo sa curiosity nio…. Wahahahahaha!! (trivia: si Isabel ay cute, ung pisngi nia parang hush puppy so puppy sia… jokers bel) si joana abonita naman ayokong yayain ion, AYOKOng yayain kasi iindiyanin na naman ako nun… ewan ko ba anlaks mantrip ng babaing ion… haaayy life…

Kung tatanungin nio kung may pagtingin pa ako sa kanya? Aba naman, wag nio nang tanungin dahil hindi ko rin alam… at tigilan na natin ang topic na ito…

Gusto ko talagang manood ng x-men at da vinci!!! Kapag ako nabwisit panonoorin ko ion ng sabay sa isang araw… kasi naman itong mga kabarkada ko mga walang moooolllaaahh (pera)… haaaayyy kaya wala akong mayaya…

May sale pala sa glorietta sabi ng aking isang kabarkadang si tina, hanggang Sunday daw…

WALA LANG:::

Grabe!! Final eviction na!!! at feeling ko 2 babae ang matatanggal… si Brenda at Clare ang sa hula ko ay matatanggal nagung gabi… sayang gusto ko si Brenda rin mag-stay eh… pero pde ring si jam ang matanggal kac naoperahan na si baby miggy… haaayyy.. bat ko ba pinoproblema ang mga bagay na ito? Well kaya nga nakalagay saw ala lang diba…

Fearless forecast: si kim ang mananalo sa big brother…

May tournament pala ang aking kapatid tomorrow sa kanyang taekwondo classes… kaso hindi niya maitaas ung hita niya kasi antaba eh…. Bawahahahhahahah!!!!

Grabe.. may sakit na ata ako… ang tawag “workaholic”… kac parang kapag naiistambay ako sa bahay at walang ginagawa gusto ko may gawin ako… alam mo yon na parang kapag natutulog at nakahilata lang ako eh feeling ko ang tamad-tamad ko na para bang gusto kong pumunta ng tomcat office o kaya mag-mall o kaya maghanap ng summer job… pooonyeeettaa!! Hindi naman ako ganito dati na kapag nagpapahinga ako, ok lang ngayon kapag nagpaphinga ako, hindi pwede kelanganmay gawin ako…

Hassle talaga… kaya sasanayin ko na ulit ang sarili ko na maging INUTIL! Period. Wahahahaa!! Ang gandang ecuse sa pagiging inutil eh no??? wahahaha!!!

O cge watch out for my future blogs friends… e2 ang patikim..

FUTURE BLOG topics;

*ano ang gusto kong gawin after mag-college..

Una syempre gusto kong kunin ang diploma ko, pano naman ako magtatrabaho at gawin ang gusto kong gawin kung wala pa akong diploma….

*bakit mahirap magkaroon ng girlfriend…

Bakit nga ba? Aba tinatanong ko nga tapos itatanong nio ren sa akin? Ano ba naman klaseng buhay ito itatanong mo tapos itatanong rin sa’yo, eh di sana hindi ka na lang nagtanong nang sa gayon hindi rin tinanong sa iyo ung tinanong mo kasi kapag tinanong sayo ang tinanong mo aba, eh di nagtanungan lang kayo, anupang silbi ng pagtatanong mo kung ang tanong na tinanong mo ay siya rin itatanong sa iyo… nahilo ka? Ako rin no… seryoso na nga…

Una, kasi karamihan sa mga babae, magastos… una niyan may monthsary kayo so every month expected na ang gastos mo twing 16th, 18th, 24th, 12th or whatever date man iyan ng buwan… kung sino ba naming magaling ang nag-imbento ng….







12:22 AM;p rAisonnez... Y

ako.

NICO
I am nico laying my thoughts, expressing my ideas, feeling what I feel, doing what I want, saying things I want to say. no one can stop me from using my own personal space. Stay OUT if you must. I do not tolerate suppression… seriously.




%theLOVES;
NICO loves eating, sleeping! , of COURSE, making BABIES!!! (joke…) NICO also LOVES football COMPUTER and likes to watch HIMSELF, dancing…nahh.. just the TV and Song Hye-Kyo and Lee Da-Hae! Oh, and he ABSOLUTELY loves, I mean LOVES eating did I mention that already?!!




%theHATES;
NICO absolutely HATES stares and the EXTREMEhot weather. He HATES monster professors, naggers and foolish people, believing that they’re HOT, when they’re NOT. Also, EXTREMELY BIG TALKERS, who only know how to talk the talk but NOT walk the walk. And of course, having to commute every single day to SCHOOL!




speak those words/ say no liess/ my eyes are watching you



cbox

mga tanong:

kung naging insekto ka?ano ka? at bakit?
kung nanay mo ang lola ng kapatid ng tito mo na kinain ng aso niyo?kaano-ano mo sya?
pano malalaman kung may anak na ang isang tao hello?! edi tanungin mo!
kung blog mo to, babaguhin mo ba settings nito? wag ka ng mag-isip, hindi naman iyo eh.



.pass out here.

  • aNGge
  • aDIe
  • aTe daPhNe
  • aTe eDeL
  • aTe iVy
  • jan
  • jan_ii
  • kaYe
  • ShaYne
  • ShaYne_ii
  • weNngay_i
  • wenggay_ii
  • anDEE
  • PeyTa
  • myXiE
  • chesca_ganda
  • pOnSi
  • eliza_mamanyim
  • J.Lau
  • CARlita
  • GAB-so
  • AmeLito
  • M.Lo
  • sOOLing
  • SHIeldz
    sink back

  • November 2005
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • October 2006
  • November 2006



  • sHalamaHt

    designer-Chronicles
    imageeditoradobephotoshopCS
    brushes Miss M|VBRUSH|moargh